Motto ng mga Pasaway

Dynamic Blinkie Text Generator at TextSpace.net
Showing posts with label ♥ Pasaway Celebs. Show all posts
Showing posts with label ♥ Pasaway Celebs. Show all posts

Willie Revillame

>> Sunday, May 10, 2009




Maraming tao na ang humahanga kay "Papie" na ngayon ay tinatawag ng "Will" dahil sa pagbibigay niya ng saya sa mga kapatid natin, hindi lang ng mga mahihirap kundi pati na rin ng mga mayayaman. Pati nga mga taong nasa ibang bansa ay napapahanga na rin niya sa serbisyong kanyang ibinibigay sa mga taong nangangailangan ng tulong. Hindi man kanya lahat ang ibinibigay na tulong na pera ni Will aylubos pa rin siyang pinapasalamatan ng mga tao dahil hindi lang nila nakikitang buong puso ang kanyang pagtulong at pagbibigay pansin sa kanila kundi nararamdaman din nila ito.

Marami nang Pilipino ang sumusubaybay sa "Wowowee" at marami na rin ang nabibigyang pag-asa at inspirasyon dahil sa programa na ito. Napakapositibo ng epekto nito sa mga manonood kaya naman masasabi nating marami ang nagmamahal sa Wowowee. Tulad nga ng laging sinasabi ni Will sa Wowowee, "Ito ang inyong programa" [This is your show].



Read more...

Manny Pacquiao KO's Ricky Hatton In 2 Rounds

>> Sunday, May 3, 2009



Ang ating ka-Pasaway na si Manny "Pacman" Pacquiao ay ating ipagbunyi! Round 2 pa lang ay napatumba na ni Pacman si Hitman, isang napakabilis na laban... Mas mahaba pa nga ata ang mga commercials kaysa sa naging laban nila ni Hatton. Ang sabi pa ng iba nating ka-Pasaway, napapikit lang sila sandali natapos na ang laban. Iniisip ko tuloy, sana ay pinatagal pa ni Pacman ang laban, maski sana 4th o 5th round para naman mas tumagal ang mga tao sa Stadium! Kung ating papansinin, halos mula pa nung 1st round ay hindi na makasabay si Hatton sa mga suntok ni Pacman...Mahina rin siyang dumipensa...Akala ko nung una ay sinasadya niya ito dahil gusto niyang basahin ang mga galaw ni Pacman pero hindi pala: Wala pala talaga siyang binatbat! ANG GALING MO MANNY! PROUD KAMI SA'YO KA-PASAWAY!

Read more...

pAsAwAy.cOm

Mga Ka-GaGahan

Visitors

  © Blogger templates Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP