Motto ng mga Pasaway

Dynamic Blinkie Text Generator at TextSpace.net

Ang alamat ni Juan Pasaway

>> Saturday, November 29, 2008


Si Juan Tamad ay kilalang-kilala natin hindi ba. Siya ‘yung karakter na sinasabing labis ang pagkatamad. Katunayan ay nakahiga lang siya habang hinihintay na malaglag ang mansanas sa kanyang bibig. At bakit? Dahil ayaw niyang mapagod…

♠ Pero gaano na ba katagal ang kwentong iyan?
♠ Kasingtanda na iyan ng mga puno hindi ba?
♠ Buhay pa ba si Juan Tamad?..

Ang totoo ay hindi na. Ito ang kanyang buhay sa nakaraan:

Habang siya ay nakahiga at naghihintay na malaglag ang mansanas sa kanyang bibig ay may lumapit sa kanyang isang magandang dilag. Naitanong nito kay Juan kung bakit nakanganga ito habang nakatitig sa mansanas. “Hinihintay ko kasing mahulog ang mansanas sa aking bibig,” ang sabi ni Juan. “Ah, ganoon ba? Mabuti pa ay ako na lang ang kukuha para sa iyo.” Kinuha ng dilag ang mansanas at ibinigay niya ito kay Juan. Laking tuwa ni Juan dahil sa wakas ay ‘di na siya mangangawit sa kakanganga sa ilalim ng puno. Napakabait ng magandang dilag. Kung gaano ito kaganda’y ganoon din ang kalooban nito. Itinanong ni Juan ang pangalan ng magandang dilag. “Maria,” ang sabi nito.

Araw-araw ay nagkita na silang dalawa dahil tuwing napapadaan si Maria sa puno ng mansanas ay nakikita niya si Juan na nakanganga. Naging tagpuan na nila ang puno na ito hanggang sa sila ay nagkagustuhan.

‘Di naglaon ay ikinasal na silang dalawa. Isang kakaibang kasalan dahil ito ay ginanap sa ilalim ng puno ng mansanas. Tutol ang mga magulang ni Maria sa kanilang pag-iisang dibdib dahil sa nakikita nilang katamaran kay Juan ngunit sa huli’y wala na rin silang nagawa dahil mahal na mahal ito ng kanilang anak.

Pagkalipas ng dalawang buwan ay nagdalantao si Maria. Wala siyang ibang pinaglihian kundi si Juan lang. Paano kasi’y sakit ng ulo si Juan. Umaga, tanghali, hapon at gabi’y wala kasi itong ginagawa. Kahit buntis siya’y nagtatrabaho siya sa bahay habang si Juan naman kung hindi nakaupo o nakahiga ay kumakain. Pero ano pa nga ba ang magagawa niya? Ganito na si Juan mula ng magkakilala sila. Mahiwaga ang pag-ibig, sa katangiang iyon ata ni Juan siya nahulog dahil talaga namang kakaiba ito. Imbes na ang mansanas pa nga ang mahulog sa kanilang unang pagkikita ay siya itong nahulog.

Nanganak ng lalaki si Maria. Kamukhang-kamukha ito ni Juan kaya Juan din ang ipinangalan niya rito. Juan Jr.

Lumaki na si Juan Jr. Lumaki siyang mas masahol pa sa kanyang tatay. Matigas ang kanyang ulo at sa sobrang konsumisyon ay namatay si Juan Tamad. Hindi niya kinaya ang pagod sa anak niya. Wala kasi siyang exercise, paano kasi’y nasanay siyang nakaupo lang o nakahiga. Kulang siya sa galaw-galaw hanggang sa siya ay naistrowk sa kanyang pagtanda.

Si Maria naman ay buhay pa rin ngayon pero labis nang dumarami ang mga kulubot dahil isang malaking problema sa kanya Si Juan Jr. “May mas titindi pa pala kay Juan Tamad,” ika niya.

Hayan ang kuwento ng totoong buhay ni Juan Tamad. Akala nati’y hindi siya makakaranas ng hirap ngunit sa huli ay may masamang epekto pala ang kanyang pagiging tamad.

MORAL LESSON: Huwag maging tamad.

KARAGDAGAN: Napagdesisyunan ng mga eksperto kuno na baguhin ang pangalan ni Juan Jr. dahil hindi raw ito nababagay sa kanyang personalidad. Dahil daw siya ay makulit, sakit sa ulo at todo sa kalokohan ay tatawagin na natin siyang Juan Pasaway.

Read more...

Bakit Gusot?..

>> Thursday, November 27, 2008

Si Lolo Hugo at Lola Maria ay matagal nang hindi nag co contact sexually. Kaya't miss na miss na ni lola maria and intimate relationship nila, hangang isang gabi, para mapansin sya ni lolo hugo ay naghubad si lola maria sa kanilang kwato (aakitin nya si lolo). Pagpasok ni lolo at napatingin kay lola......sabi ni lolo hugo: ANO KA BA NAMAN MARIA BAKIT GUSOT-GUSOT ANG DAMIT MO???/ nGEEEkkkkkkkk

Read more...

pAsAwAy.cOm

Mga Ka-GaGahan

Visitors

  © Blogger templates Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP