Motto ng mga Pasaway

Dynamic Blinkie Text Generator at TextSpace.net

Willie Revillame

>> Sunday, May 10, 2009




Maraming tao na ang humahanga kay "Papie" na ngayon ay tinatawag ng "Will" dahil sa pagbibigay niya ng saya sa mga kapatid natin, hindi lang ng mga mahihirap kundi pati na rin ng mga mayayaman. Pati nga mga taong nasa ibang bansa ay napapahanga na rin niya sa serbisyong kanyang ibinibigay sa mga taong nangangailangan ng tulong. Hindi man kanya lahat ang ibinibigay na tulong na pera ni Will aylubos pa rin siyang pinapasalamatan ng mga tao dahil hindi lang nila nakikitang buong puso ang kanyang pagtulong at pagbibigay pansin sa kanila kundi nararamdaman din nila ito.

Marami nang Pilipino ang sumusubaybay sa "Wowowee" at marami na rin ang nabibigyang pag-asa at inspirasyon dahil sa programa na ito. Napakapositibo ng epekto nito sa mga manonood kaya naman masasabi nating marami ang nagmamahal sa Wowowee. Tulad nga ng laging sinasabi ni Will sa Wowowee, "Ito ang inyong programa" [This is your show].



0 Komento ng mga ka-pasaway -buksan mo:

pAsAwAy.cOm

Mga Ka-GaGahan

Visitors

  © Blogger templates Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP