Motto ng mga Pasaway

Dynamic Blinkie Text Generator at TextSpace.net

Pasaway na Modus Operandi...

>> Tuesday, December 2, 2008

PLS. TAKE A TIME TO READ ….IT'S FOR YOUR SAFETY!!!
SHARE IT WITH OTHERS AS A WARNING


The girl left the office after working hours and saw a little child crying
on the road.


Feeling pity for the child, she went to ask what happened.


The child said, "I am lost. Can you take me home please?"


Then the child gave her a slip of paper and tells the girl where the
address is.


And the girl, being an average kind person, didn't suspect anything and
took the child there.


And there when they arrived at the "child's home", the kind hearted girl
pressed the door bell and she was electrocuted as the bell was wired with
high voltage, and fainted.


The next day when she woke up, she found herself in an empty house up in
the hills, naked.
Condoms were all thrown around with semen flowing. There were at least
about 20 condoms!


She has not even seen her assailant.


That's why nowadays crimes are targeted on kind people like us.


Next time if the same situation occurs, never bring the child to the
intended place.


If the child insists, then bring the child to the police station.


Lost children are best to sent to police stations.


Please send this to all your female friends/colleagues, and your friends
with girlfriends and friends with wives.


It is better to receive this a thousand times than be a victim once !


Thank you.

Read more...

Iba’t-ibang karanasan ng mga taong pasaway…

Ikaw, naranasan mo na ba ang mga nasa ibaba?..


♠ Naranasan mo na bang magkunwaring ikaw ay may sakit para makaiwas sa kinatatamarang gawin?

♠ Naranasan mo na bang maleyt sa iskul at idahilan ang bagay na hindi totoo?

♠ Naranasan mo na bang maggalit-galitan sa isang minamahal?

♠ Naranasan mo na bang mag-swimming ng wala kang paalam?

♠ Naranasan mo na bang hindi magbayad sa pampublikong traysikel, dyip o bus?

♠ Naranasan mo na bang umasa sa pagkain ng iba kapag wala kang pera o ayaw mong mabawasan ang pera mo?

♠ Naranasan mo na bang hindi mag-proper uniform sa iskul?

♠ Naranasan mo na bang magsulat sa desk o sa mga pintuan at dingding ng cr?

♠ Naranasan mo na bang sumagot-sagot sa iyong titser?

♠ Naranasan mo na bang hindi magbalik ng hiniram na gamit sa iba?

♠ Naranasan mo na bang paulit-ulit na dumaan saisang lugar para mapansin ka lang ng crush mo?

♠ Naranasan mo na bang kumain ng isang pagkain na ipinagbabawal sa iyo?

♠ Naranasan mo na bang maglihim sa iyong magulang na meron ka nang bf/gf?

♠ Naranasan mo na bang magtulug-tulugan?

♠ Naranasan mo na bang itsismis ang ibang tao?

♠ Naranasan mo na bang magtapon ng basura sa daan?

♠ Naranasan mo na bang mang-away ng mas matanda sa iyo?

♠ Naranasan mo na bang mag-cutting classes?

♠ Naranasan mo na bang humingi ng pera pang-project kuno?

♠ Naranasan mo na bang magtago ng bagay ng kinaaasaran mo?

♠ Naranasan mo na bang magdikit ng babol gum sa upuan?

♠ Naranasan mo na bang mang-iwan ng taong minamahal ka nang lubos?

♠ Naranasan mo na bang tumawid sa hindi tamang tawiran?

Hindi lahat ng nasa itaas ay naranasan mo na ngunit kung karamihan dito ay oo, isa kang CERTIFIED PASAWAY!

Read more...

WALA KA BANG MAGAWA?..

Ka-Pasaway! Nababagot ka ba? Gusto mo bang may magawa? Kung oo ang iyong sagot ay narito ang ilang mga suhestiyon para may magawa ka naman:

1.Kung ikaw ay nasa bahay at kayo ay may telepono, dumayal ng number ng kahit sino (kaibigan, kamag-anak o mas maganda ay manghula ka lang ng numero). Bahala ka na kung sasagutin mo ba sila o hindi.
2.Bumili sa tindahan ng isang bote ng beer, pakuluan sa kaldero at singhutin ang usok.
3.Kumanta ka ng walang sound. Isipin mo na isang booth ka na kung saan hindi ka naririnig ng mga tao.
4.Kumatok ka sa mga kapitbahay at manghingi ng mga lumang damit. Sabihin mong kailangan mo lang para sa inyong dula-dulaan pero ang totoo ay ibenta mo na parang ukay-ukay.
5.I-video ang sarili habang ifino-folk dance ang Crazy Frog.
6.Tumawa ka ng tumawa kahit walang nakakatawa. Mabisa itong pampabaliw.
7.Papakin ang ketchup. Kung may tinapay naman ay ipalaman mo na lang ito.
8.Pagtripan ang bahay. Guluhin mo ang mga gamit at ayusin mo kapag sobrang gulo na. Tiyak, ang dami mo nang gagawin.
9.Kumuha ng water gun at magtago sa bintana. Barilin ang mga dumadaan sa tapat ninyo. Siguraduhin lang na hindi ka pahuhuli.
10.Mag-post ng kahit ano sa blog kahit sa tingin mo’y walang kuwenta. Halimbawa niyan ay ito.

Read more...

PRIYAMBOL

Kami, mga nilalang na tinatawag nilang pasaway, iba man sa inyong lahat tanggapin niyo man ay wala kaming pakialam. Sinusunod namin lahat ng aming gusto, hindi nakikinig at sumusunod kaninuman kapag ayaw namin, nabubuhay sa aming mga kalokohan, kakulitan, pagkapilosopo at katigasan ng ulo para sirain ang inyong araw, paramihin ang inyong uban, kulubot sa mukha at higit sa lahat guluhin ang tahimik niyo sanang buhay.

Read more...

Ang alamat ni Juan Pasaway

>> Saturday, November 29, 2008


Si Juan Tamad ay kilalang-kilala natin hindi ba. Siya ‘yung karakter na sinasabing labis ang pagkatamad. Katunayan ay nakahiga lang siya habang hinihintay na malaglag ang mansanas sa kanyang bibig. At bakit? Dahil ayaw niyang mapagod…

♠ Pero gaano na ba katagal ang kwentong iyan?
♠ Kasingtanda na iyan ng mga puno hindi ba?
♠ Buhay pa ba si Juan Tamad?..

Ang totoo ay hindi na. Ito ang kanyang buhay sa nakaraan:

Habang siya ay nakahiga at naghihintay na malaglag ang mansanas sa kanyang bibig ay may lumapit sa kanyang isang magandang dilag. Naitanong nito kay Juan kung bakit nakanganga ito habang nakatitig sa mansanas. “Hinihintay ko kasing mahulog ang mansanas sa aking bibig,” ang sabi ni Juan. “Ah, ganoon ba? Mabuti pa ay ako na lang ang kukuha para sa iyo.” Kinuha ng dilag ang mansanas at ibinigay niya ito kay Juan. Laking tuwa ni Juan dahil sa wakas ay ‘di na siya mangangawit sa kakanganga sa ilalim ng puno. Napakabait ng magandang dilag. Kung gaano ito kaganda’y ganoon din ang kalooban nito. Itinanong ni Juan ang pangalan ng magandang dilag. “Maria,” ang sabi nito.

Araw-araw ay nagkita na silang dalawa dahil tuwing napapadaan si Maria sa puno ng mansanas ay nakikita niya si Juan na nakanganga. Naging tagpuan na nila ang puno na ito hanggang sa sila ay nagkagustuhan.

‘Di naglaon ay ikinasal na silang dalawa. Isang kakaibang kasalan dahil ito ay ginanap sa ilalim ng puno ng mansanas. Tutol ang mga magulang ni Maria sa kanilang pag-iisang dibdib dahil sa nakikita nilang katamaran kay Juan ngunit sa huli’y wala na rin silang nagawa dahil mahal na mahal ito ng kanilang anak.

Pagkalipas ng dalawang buwan ay nagdalantao si Maria. Wala siyang ibang pinaglihian kundi si Juan lang. Paano kasi’y sakit ng ulo si Juan. Umaga, tanghali, hapon at gabi’y wala kasi itong ginagawa. Kahit buntis siya’y nagtatrabaho siya sa bahay habang si Juan naman kung hindi nakaupo o nakahiga ay kumakain. Pero ano pa nga ba ang magagawa niya? Ganito na si Juan mula ng magkakilala sila. Mahiwaga ang pag-ibig, sa katangiang iyon ata ni Juan siya nahulog dahil talaga namang kakaiba ito. Imbes na ang mansanas pa nga ang mahulog sa kanilang unang pagkikita ay siya itong nahulog.

Nanganak ng lalaki si Maria. Kamukhang-kamukha ito ni Juan kaya Juan din ang ipinangalan niya rito. Juan Jr.

Lumaki na si Juan Jr. Lumaki siyang mas masahol pa sa kanyang tatay. Matigas ang kanyang ulo at sa sobrang konsumisyon ay namatay si Juan Tamad. Hindi niya kinaya ang pagod sa anak niya. Wala kasi siyang exercise, paano kasi’y nasanay siyang nakaupo lang o nakahiga. Kulang siya sa galaw-galaw hanggang sa siya ay naistrowk sa kanyang pagtanda.

Si Maria naman ay buhay pa rin ngayon pero labis nang dumarami ang mga kulubot dahil isang malaking problema sa kanya Si Juan Jr. “May mas titindi pa pala kay Juan Tamad,” ika niya.

Hayan ang kuwento ng totoong buhay ni Juan Tamad. Akala nati’y hindi siya makakaranas ng hirap ngunit sa huli ay may masamang epekto pala ang kanyang pagiging tamad.

MORAL LESSON: Huwag maging tamad.

KARAGDAGAN: Napagdesisyunan ng mga eksperto kuno na baguhin ang pangalan ni Juan Jr. dahil hindi raw ito nababagay sa kanyang personalidad. Dahil daw siya ay makulit, sakit sa ulo at todo sa kalokohan ay tatawagin na natin siyang Juan Pasaway.

Read more...

Bakit Gusot?..

>> Thursday, November 27, 2008

Si Lolo Hugo at Lola Maria ay matagal nang hindi nag co contact sexually. Kaya't miss na miss na ni lola maria and intimate relationship nila, hangang isang gabi, para mapansin sya ni lolo hugo ay naghubad si lola maria sa kanilang kwato (aakitin nya si lolo). Pagpasok ni lolo at napatingin kay lola......sabi ni lolo hugo: ANO KA BA NAMAN MARIA BAKIT GUSOT-GUSOT ANG DAMIT MO???/ nGEEEkkkkkkkk

Read more...

pAsAwAy.cOm

Mga Ka-GaGahan

Visitors

  © Blogger templates Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP