Motto ng mga Pasaway

Dynamic Blinkie Text Generator at TextSpace.net

Manny Pacquiao KO's Ricky Hatton In 2 Rounds

>> Sunday, May 3, 2009



Ang ating ka-Pasaway na si Manny "Pacman" Pacquiao ay ating ipagbunyi! Round 2 pa lang ay napatumba na ni Pacman si Hitman, isang napakabilis na laban... Mas mahaba pa nga ata ang mga commercials kaysa sa naging laban nila ni Hatton. Ang sabi pa ng iba nating ka-Pasaway, napapikit lang sila sandali natapos na ang laban. Iniisip ko tuloy, sana ay pinatagal pa ni Pacman ang laban, maski sana 4th o 5th round para naman mas tumagal ang mga tao sa Stadium! Kung ating papansinin, halos mula pa nung 1st round ay hindi na makasabay si Hatton sa mga suntok ni Pacman...Mahina rin siyang dumipensa...Akala ko nung una ay sinasadya niya ito dahil gusto niyang basahin ang mga galaw ni Pacman pero hindi pala: Wala pala talaga siyang binatbat! ANG GALING MO MANNY! PROUD KAMI SA'YO KA-PASAWAY!

2 Komento ng mga ka-pasaway -buksan mo:

Anonymous May 4, 2009 at 8:26 AM  

Oo nga, pasaway si Pacman. Haha sana pinatagal niya muna yung laban. Ang laki kaya ng binayad nung iba para mapanood lang yung laban...

NastyBoy May 4, 2009 at 7:46 PM  

Kumuha nga lang ako ng tubig pagbalik ko tapos na yung laban.

pAsAwAy.cOm

Mga Ka-GaGahan

Visitors

  © Blogger templates Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP